42 SAF troopers binigyan ng Medalya ng Kagitingan
MANILA, Philippines — Pinangunahan kahapon ni Pangulong Duterte ang paggawad ng Medalya ng Kagitingan sa Malacañang kay PC/Insp. Ryan Pabalinas at 41 pang miyembro ng PNP-Special Action Force 44 o SAF 44 na nasawi sa Mamasapano encounter noong January 25, 2015.
Si Pabalinas ang sinasabing team leader ng blocking force ng SAF commandos para makatawid ang tropang may dala ng daliri ng international terrorist na si Zulkifli “Marwan” bin Hir at maisailalim sa kumpirmasyon.
Ang grupo ni Pabalinas ang may pinakamalaking bilang ng casualties kung saan 35 commandos ang napatay matapos silang mapalibutan ng pinagsanib na miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF), Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) at private armed groups (PAGs).
Inaprubahan ng Pangulo ang paggawad ng Medalya ng Kagitingan sa 42 pang SAF commandos noong Pebrero 2017.
Magugunitang noong 2016, nabigyan na ng pinakamataas na parangal sina Sr. Insp. Gednat Tabdi at PO2 Romeo Cempron.
- Latest