MANILA, Philippines — Nawawala ang tatlo ?sa 12 wetlands na nasa isla ng Boracay sa Aklan.
Ito ang inanunsyo ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) nang madiskubreng siyam na lamang ang natitirang wetlands sa isla.
Ang mga wetlands ay mga lupang matubig na nagsisilbing catch basin sa lugar kapag umuulan.
Sinabi ni DENR-Biodiversity Management Bureau Director Teresa Mundita Lim na ang isa sa natagpuang wetland na tinatawag na Kanipaan dahil sa pagkakaroon dito ng Nipa pero ngayon ay kangkong na lamang anya ang nandoon.
Kaugnay nito, sinabi ni DENR Secretary Roy Cimatu na ang lima sa siyam na nalalabing wetlands sa Boracay ay nakitang tinayuan na ng gusali at ibang mga istraktura kaya’t dumadanas ng pagbaha ang ibang lugar sa isla.
Anya, pagpapaliwanagin ang mga establishment owners na umokupa sa wetlands at babawiin ang mga ito sa lalong madaling panahon o gigibain kung ayaw makipag-usap sa ahensiya.