MANILA, Philippines — Itinanggi kahapon ni Senate President Koko Pimentel na mayroong term sharing agreement sila ni Senate Majority Leader Tito Sotto pero handa raw siyang bumaba kung kinakailangan.
“Categorically, sinasabi kong wala kaming term sharing. Pero categorically sinasabi ko rin na anytime willing ako to let go,” pahayag ni Sen. Pimentel kahapon.
Iginiit ni Pimentel na tatakbo siya muli sa darating na 2019 senatorial race kahit may kukuwestyon sa legalidad nito.
“Hindi (ako threatened) kasi alam ko naman anytime dapat handa rin ako. I should be able to let go anytime. Ako ay magiging kandidato, pati yun ire-review ko kung ok lang ba na kandidato ako tapos SP din. Pag-uusapan namin yan,” dagdag pa ni Pimentel.
Aniya, kung nais ng mga senador na magkaroon ng bagong lider ay handa siyang bumaba at mananatili pa rin sa Senate majority bloc.