^

Bansa

Rice traders ipinatawag ni Digong

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Rice traders ipinatawag ni Digong

Sinabi ni Agriculture Sec. Manny Piñol sa kanyang Facebook post, layunin ni Pangulong Duterte na makausap ng face-to-face ang mga rice traders upang ipara­ting ng Chief Executive na hindi uubra sa ilalim ng kanyang administrasyon ang pagmanipula nila sa presyo at pag-ipit sa stock ng bigas. Michael Varcas

MANILA, Philippines — Ipinapatawag ni Pa­ngulong Duterte ang mga malalaking rice traders sa bansa upang malaman ang tunay na estado ng supply ng bigas sa bansa.

Sinabi ni Agriculture Sec. Manny Piñol sa kanyang Facebook post, layunin ni Pangulong Duterte na makausap ng face-to-face ang mga rice traders upang ipara­ting ng Chief Executive na hindi uubra sa ilalim ng kanyang administrasyon ang pagmanipula nila sa presyo at pag-ipit sa stock ng bigas.

Partikular na inatasan ni Pangulong Duterte si National Food Authority (NFA) Chief Jason Aquino upang mapadala sa mga rice traders ang kanyang imbitasyon para sa isang pulong.

Ayon kay Piñol, nais ng Pangulo na harapang sabihin sa mga rice traders na hindi dapat magsakripisyo ang mga Filipino consumers sa mataas na presyo ng bigas.

AGRICULTURE SEC. MANNY PIñOL

RICE TRADERS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with