Roque ayaw makasama si Bam Aquino sa 2019 senatorial lineup ng PDP-Laban

Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque responds to follow up question after the press briefing in Malacañang on January 23, 2018.
PPD/Toto Lozano

MANILA, Philippines – “Mahirapan po akong tumakbo na kasama ang Bam Aquino.”

Ito ang pahayag ni presidential spokesperson Harry Roque tungkol sa nalalapit na 2019 midterm elections kung saan napabalitang isasama si Sen. Bam Aquino sa senatorial slate ng PDP-Laban.

Ayon sa isang ulat, sinabi umano ni Senate President Koko Pimentel na tinitingnan isama ang reelectionist na miyembro ng Liberal Party bilang guest candidate ng ruling party.

BASAHIN: Roque gustong tumakbo sa 2019 pero ‘awan ti kuwarta’

Hindi naman masabi ni Roque kung ano ang magiging reaksyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagsama ni Aquino.

“Tatapatin ko kayo. Noong mga pagkakataon na narinig ko ang presidente na magkalkula kung sino ang mananalo, kung sinong hindi at kung sino ang dapat mapasama, hindi ko pa po naririnig sa dibdib ni Presidente na si Bam Aquino ay mapapasama sa administration party,” wika ni tagapagsalita ngayong Biyernes.

Kabilang si Roque sa sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na susuportahan niya sa 2019 bukod pa kina Special assistant to the president Bong Go at Francis Tolentino.

“Siyempre mas madaling manalo ‘no kung nasa administration party ka,” sabi ng tagapagsalita.

Show comments