NFA chief binusalan sa ‘rice shortage’
MANILA, Philippines — Binusalan ng Malacañang si NFA Administrator Jason Aquino na magsalita tungkol sa isyu ng rice supply situation sa bansa.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na, iniutos mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ginawang Cabinet meeting kamakalawa ng gabi na tanging NFA Council ang dapat magbigay ng pahayag kaugnay sa sitwasyon ng rice supply ng bansa at hindi ang National Food Authority.
“NFA Council will speak on rice supply situation in PH. Only NFA Council is authorized by the President to speak about rice stock status of the country,” pahayag ni Roque.
Iniulat din ng NFA Council sa naturang meeting na walang nangyaring rice shortage sa bansa kamakailan.
Magugunita na sinabi ni Aquino na 2 araw na lamang ang natitirang buffer stock ng NFA sa kanilang mga bodega na naging sanhi upang tumaas ang presyo ng mga commercial rice sa bansa.
- Latest