^

Bansa

Impeachment trial sa Hulyo pa

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Impeachment trial sa Hulyo pa

Sa tantiya ni Senate Majority Leader Vicente “Tito” Sotto III, sa Hul­yo pa magsisimula ang trial pagkatapos ng State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Duterte. File

MANILA, Philippines — Handa na ang Senado na maging impeachment court sa trial ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno na posibleng magsimula sa Hulyo.

Sa tantiya ni Senate Majority Leader Vicente “Tito” Sotto III, sa Hul­yo pa magsisimula ang trial pagkatapos ng State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Duterte.

Pero nilinaw ni Sotto na wala naman siyang impormasyon na titiyak na sa Hulyo na magsisimula ang trial ni Sereno sa Senado.

Ipinaliwanag ni Sotto na ang House of Representatives ang tatayong prosecutors sa trial at tiyak na nanaisin rin nilang magbakasyon ngayong darating na Holy Week.

Sa sandaling maisampa na sa Senado ang Articles of Impeachment, bibigyan ng 15 araw si Sereno upang sumagot bukod pa sa 15 araw para naman sa rebuttal.

Magkakaroon aniya ng break ang Senado sa Hunyo 1 na isang mandatory break ayon sa Kons­titusyon kaya hindi rin maaring mag-sesyon ang Kongreso na babalik na sa Hulyo 22, 2018

 Kaya wala rin aniyang saysay kahit pa iakyat sa Senado ang trial ni Sereno habang naka-break ang Kongreso.

CHIEF JUSTICE MARIA LOURDES SERENO

IMPEACHMENT

SENATE MAJORITY LEADER VICENTE “TITO” SOTTO III

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with