Smuggled rice i-donate sa NFA – Villar

 Ayon kay Villar, sinabihan na rin niya ang NFA council upang hilingin sa Pangulo na ibigay na lamang sa ahensiya ang mga nasabat na bigas. KJ Rosales

MANILA, Philippines — Umapela kahapon si Senator Cynthia Villar kay Pangulong Duterte na magpalabas ng isang executive order upang mai-donate sa National Food Authority (NFA) ang mga nasabat na smuggled na bigas ng Bureau of Customs na umaabot sa 100,000 metric tons.

Ayon kay Villar, sinabihan na rin niya ang NFA council upang hilingin sa Pangulo na ibigay na lamang sa ahensiya ang mga nasabat na bigas.

Tiniyak ni Villar na ligtas at maari pang makain ang mga nasabat na bigas noon lamang nakalipas na buwan. May mga smuggled rice na nasabat sa Zamboanga, mayroon rin sa Subic at maging sa Cebu.

Naniniwala si Villar na hindi na dapat isailalim sa bidding ang mga puslit na bigas dahil posibleng mapupunta lamang ito sa mga smugglers.

Show comments