Rolbak pa
MANILA, Philippines — Muling nagpatupad ng rollback ang ilang kumpanya ng langis na epektibo ngayong Linggo (Pebrero 18).
Pinangunahan ito ng Petron Corporation na nagtapyas ng P1.05 kada litro sa gasolina, P1.25 sa diesel at nasa P1.20 naman sa kerosene.
Agad namang sumunod ang Phoenix Petroleum Philippines, Eastern Petroleum sa pagbaba ng kanilang mga produktong petrolyo.
Inaasahan namang mag-aanunsiyo rin ang iba pang kumpanya ng langis ng kahalintulad na halaga.
Ang oil price rollback ay bunsod sa patuloy na paggalaw ng presyuhan nito sa pandaigdigang pamilihan.
Nitong Pebrero 13 nagpatupad ng big time oil price rollback ang mga oil firms.
- Latest