MANILA, Philppines – Magiging maulan at mahangin ang Araw ng mga Puso sa Palawan matapos sabihin ng state weather bureau ngayong Miyerkules na inaasahan nilang tatama ang bagyo sa kalupaan ng katimugang bahagi ng lalawigan mamayang gabi.
Huling namataan ng PAGASA ang bagyo sa 200 kilometro timog-silangan ng Puerto Princesa City kaninang alas-10 ng umaga.
Taglay ni Basyang ang lakas na 45 kilometers per hour (kph) at bugsong aabot sa 60 kph, habang gumagalaw pakanluran sa bilis na 23 kph.
Isinailalim ang Palawan kabilang ang Calamian at Cuyo groups of islands sa tropical cyclone warning signal number one.
Sa Biyernes pa tinatayang lalabas ng Philippine area of responsibility ang bagyo.