Mas maraming Pinoy ayaw sa RevGov
MANILA, Philippines — Mas maraming Filipino ang hindi pabor sa posibilidad na magdeklara si Pangulong Rodrigo Duterte ng isang revolutionary government.
Ito ang lumabas sa survey ng Social Weather Station na isinagawa noong Disyembre 8-16, 2017.
Ayon survey, 39 porsiyento ng 1,200 Filipino adults na tinanong ay hindi pabor sa pagtatayo ng isang revolutionary government, samantala 31 porsiyento naman ang pabor at 30% ang walang desisyon o “undecided.”
Ayon sa SWS, ang oposisyon sa revolutionary government ay mas malakas sa mga hindi satisfied o kakaunti ang tiwala kay Duterte.
Nauna rito, ilang beses na nagbanta ang Pangulo na magdedeklara ng isang revolutionary government bilang pangontra sa mga diumano’y gustong manggulo sa pamahalaan.
Nakakuha naman ng suporta sa Mindanao ang plano ng Pangulo na revolutionary government na may net agreement score na +16. ()
- Latest