Planuhin ang paggastos – Pimentel

Ayon kay Pimentel ang mahalaga ay lumaki ang pera sa bulsa ng mga mamamayan kaya nasa kanila kung papaano magplano sa paggastos.
File

Sa pagpapatupad sa train

MANILA, Philippines — Aminado si Senate President Aquilino ‘Koko’ Pimentel III na magkakaroon ng pagtaas sa pamasahe at presyo ng mga bilihin sa sandaling makumpleto ang pagpapatupad sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) sa susunod na linggo.

Ayon kay Pimentel ang mahalaga ay lumaki ang pera sa bulsa ng mga mamamayan kaya nasa kanila kung papaano magplano sa paggastos.

Idinagdag pa nito na saka na lamang problemahin kapag sunud-sunod na ang price increase dahil mayroon namang dalawang bahagi ang bagong batas, ang tax relief at ang excise tax.

Sinabi pa ni Pimentel na kuntento na siya sa tax relief dahil dinagdagan ang pera sa bulsa ng mga mamamayan.

Sinabi pa ni Pimentel na walang karapatang mag­reklamo ang isang taong gustong bumili ng nagmahal na softdrinks.

Isa ang softdrinks sa tatamaan ng price increase dahil ginagamitan ito ng asukal na isinama sa TRAIN.

Ipinahiwatig rin ni Pimentel na inaasahan na nila na may kukuwestiyon sa SC sa pagpapatupad ng TRAIN.

“Yong pagdating sa question sa SC this is a free country…so puwede nilang gawin yan,” ani Pimentel.

Nauna rito, inihayag ng militanteng Makabayan bloc na plano nilang maghain ng petisyon sa Supreme Court para i-challenge ang tuluyang pagpapatupad ng TRAIN sa susunod na linggo.

Show comments