Rizal Day pangungunahan ni Digong

Nagsagawa ng rehearsal ang mga miyembro ng Philippine Army at Philippine Marines bilang preparasyon para sa selebrasyon ng ika-121 taong kabayanihan ni Dr. Jose Rizal sa Luneta Park na ginugunita ngayon. Edd Gumban

MANILA, Philippines — Pangungunahan nga­yong umaga ni Pangulong Duterte ang paggunita sa ika-121 taong kamatayan ni Gat. Jose Rizal sa Luneta Park, Maynila.

Ang tema sa taong ito ng paggunita sa martyrdom ni Dr. Rizal ay “Mabuting kaisipan, susi sa Kaunlaran”.

Mismong si Pangulong Duterte ang mangu­nguna sa pagtataas ng watawat ng Pilipinas sa Rizal Monument bandang alas-7:00 ngayong umaga. Mag-aalay din ng bulaklak sa bantayog ni Gat. Jose Rizal si Pa­ngulong Duterte.

Naroroon din sa okas­yon sina Manila Mayor Erap Estrada, AFP Chief Gen. Rey Leonardo Guerrero, Defense Sec. Delfin Lorenzana, Dr. Rene Escalante ng National Historical Commission, Ludivico Badoy na executive director ng NHCP, PNP chief Ronald dela Rosa, descendants ni Dr. Rizal at Executive Sec. Salvador Medialdea.

Show comments