Destabilizers ipapaaresto ko! - Digong
Sa bantang Revolutionary Gov’t
MANILA, Philippines — Nagbanta si Pangulong Duterte na ipapaaresto niya ang mga nanggugulo sa gobyerno kapag nagdeklara siya ng isang revolutionary government.
Sinabi ng Pangulo na kung magsisimula ng maging magulo ang sitwasyon ay idedeklara niya ang revolutionary government.
“If I will declare a revolutionary government, arestado kayong lahat. Hindi ako nananakot,” sabi ni Duterte sa recorded interview ng PTV-4 kamakalawa
“If I think you are about to take over the government, you destabilize the government na parang may papalit na bago, bantay kayo,” ayon sa Pangulo.
Hind rin inaalis ng Pangulo ang posibilidad na kabilang sa mga maaring magpondo sa mga nais manggulo sa gobyerno ay ang mga malalaking negosyante na sinisingil niya sa buwis.
“Yes. I am ready to die for my country. Kung patayin nila ako dito sa opisina, okay lang. Assassinate ako nila, okay lang. Pero kung makita ko, sabi ko, ‘yung bayan ko na magti-tilt into chaos at ma-destabilize talaga, mag-declare na nga ako ng revolutionary government. At lahat sila, walang kulungan. Diyan sila sa Luneta magtindig lahat,” sabi ng Pangulo.
Pero hindi naman pinangalanan ng Pangulo kung sino ang nasa likod ng sinasabi niyang destabilisasyon.
“Pag ang destabilization ninyo patagilid na at medyo magulo na, I will not hesitate to declare a revolutionary government until the end of my term. And I will arrest all of you, and we can go to a full-scale war against the Reds,” ani Duterte.
Ipinahiwatig din ng Pangulo na wala na siyang balak na magdeklara ng Martial Law dahil kailangan pa itong aprubahan ng Kongreso.
Bukod sa pagdedeklara na bakante ang lahat ng posisyon sa gobyerno, lilinisin rin umano ng Pangulo ang lahat ng kalsada sa bansa.
“No. (hindi na martial law) Martial law magreport-report pa akong Congress. Mag-declare ako ng revolutionary government, period. And I will declare --- I will clear the streets and I will declare all government positions vacant,” sabi ng Pangulo.
Hahabulin din umano lahat ng Pangulo maging ang mga kasapi ng National Democratic Front (NDF) at ipapaaresto niya ang lahat.
Gagayahin umano ng Pangulo si dating Pangulong Corazon Aquino na sa halip na magdeklara ng martial law noong may mga nanggugulo sa bansa ay nagdeklara ng revolutionary government.
“Just like your hero, heroine, President Corazon Aquino declared a martial law. Then… about to then changed her mind a few hours and declared a revolutionary government,” sabi ni Duterte.
Ipinagmalaki rin ng Pangulo na nakahanda na ang lahat kaya nagdagdag na siya ng mga sundalo at nanghihingi ng mga armas.
“Preparado ako, kaya ako nagdagdag na ng sundalo. Kaya sabi ko nga pati ‘yung armas dadating na eh. What for pa ako nanghingi ng armas?,” ani Duterte.
- Latest