Solon kay ERC Dir. Salazar: Resign o P1k 2018 budget?
MANILA, Philippines — Umapela si Puwersa ng Bayaning Atleta (PBA) partylist Rep. Jericho Nograles kay Jose Vicente Salazar na magsakripisyo na sa pamamagitan ng pagbaba sa puwesto bilang chairman ng Energy Regulatory Commission (ERC) at maisalba ang ahensiya mula sa P1,000 budget para sa 2018.
Sinabi ni Nograles na ang corruption issue ni dating ERC director Jose Francisco Villa laban kay Salazar ang nagbunsod para mawalan ng kredibilidad ang kanilang tanggapan.
Giit ng kongresista kung totoo man o hindi ang alegasyon ay dapat nang bumaba sa pwesto si Salazar upang hindi na mag-suffer pa ang buong institusyon dahil lamang sa kanya.
Paliwanag pa ni Nograles na ang desisyon ng liderato ng Kamara sa pangunguna ni House Speaker Pantaleon Alvarez na bigyan ang ERC ng P1,000 budget ay dahil sa pagtanggi ni Salazar na magbitiw sa puwesto.
Kaya banta ni Nograles, habang si Salazar ang chairman ng ERC at puno ito ng kontrobersiya at korapsyon ay hindi magbabago ang desisyon ng Kamara na bigyan sila ng P1,000 budget para sa 2018.
- Latest