^

Bansa

Pinas nanawagan sa US at Nokor na huminahon sa bantang nuke attack

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Pinas nanawagan sa US at Nokor na huminahon sa bantang nuke attack

Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella kahapon na muling binibigyan diin ng Pilipinas ang apela nito sa dalawang panig na pairalin ang “self-restraint” upang sa gayon humupa ang tensyon sa mga ito. PCOO/Released, File

MANILA, Philippines - Nanawagan kahapon ang Malacañang sa Estados Unidos at North Korea na itigil na ang palitan nang pagbabantang nuclear attack.

Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella kahapon na muling binibigyan diin ng Pilipinas ang apela nito sa dalawang panig na pairalin ang “self-restraint” upang sa gayon humupa ang tensyon sa mga ito.

“The Philippines reiterates its call for continued exercise of self-restraint in order to de-escalate the tension and to refrain from actions that may aggravate the situation on the Korean Peninsula,” sabi ni Abella.

Ginawa ni Abella ang nasabing statement matapos na nagbanta si US Pres. Donald Trump sa Pyongyang hinggil sa posibleng sapitin dahil sa missile program nito.

Bilang sagot, nagbanta rin ang North Korea na targetin ang Guam, na isang US territory sa Western Pacific.

Gayunman, sinabi ni Abella na minomonitor ng Philippine missions sa South Korea at Guam ang sitwasyon doon upang sa gayon ay matiyak ang kahandaan sa anumang pangyayari.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with