^

Bansa

Romualdez bagong US ambassador

Ellen Fernando, Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Romualdez bagong US ambassador

Pormal nang itinalaga ng Malacañang bilang ambassador ng Pilipinas sa Estados Unidos si Philippine Star columnist Jose Manuel “Babes” Romualdez. File

MANILA, Philippines - Pormal nang itinalaga ng Malacañang bilang ambassador ng Pilipinas sa Estados Unidos si Philippine Star columnist Jose Manuel “Babes” Romualdez.

Tinanggap naman ni Romualdez ang posisyon at sa kanyang statement, sinabi nito na masaya siya at ikinararangal niyang magsilbi para sa bansa.

“I’m happy and honored to serve the country. I am humbled by President Duterte’s trust and confidence,” ani Romualdez.

Mas isang taon na ring nabakante ang puwesto ng Phl ambassador sa Washington D.C. nang magtapos ang limang taong “tour of duty” sa US ni dating Ambassador Jose Cuisia Jr. noong Hunyo 2016.

Una nang tinanggihan ni Romualdez ang alok sa kanya ni Pangulong Duterte na magsilbing ambassador sa US dahil sa isyu ng kalusugan.

Sa kabila nito, hindi pa rin siya pinalitan at nanatiling si Romualdez ang napipisil ng Pangulo na umupo sa puwesto.

Bukod sa US, kabilang sa hurisdiksyon ni Romualdez ang Jamaica, Haiti, Trinidad and Tobago, Antigua and Barbuda, Bahamas, Barbados, Dominica, Saint Kitts and Nevis, Saint Vincent and Grenadines at Saint Lucia.

Si Romualdez ay dating nagsilbi bilang special envoy sa Washington at tumatayong publisher and CEO ng Stargate/People Asia.

Sinabi ng Malacañang na kumpiyansiya sila na sa pamamagitan ni Romualdez ay lalong mas mapapatatag ang relasyon at kooperasyon ng Pilipinas at US na minsan ay nagkalamat dahil sa patutsadahan nina dating US Pres. Barack Obama at Duterte sa isyu ng human rights violations at extrajudicial killings dahil sa war on drugs ng Duterte administration.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with