^

Bansa

Traffic Crisis Act may pondo na

Butch Quejada at Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Traffic Crisis Act may pondo na

Base sa House Bill No. 3 ang panukalang nagbibigay ng emergency powers para sa pangulo ay siyang tutugon sa matinding pagsisikip ng daloy ng trapiko sa bansa at magbibigay kapangyarihan kay Duterte para magpatupad ng rules and regulations na kinakailangan para maipatupad ang kanyang kapangyarihan. File

MANILA, Philippines -  Inaprubahan na ni House Appropriations Committee chairman at Davao Rep. Karlo Alexie Nograles ang pondo para sa panukalang “Traffic Crisis Act”.

Base sa House Bill No. 3 ang panukalang nagbibigay ng emergency powers para sa pangulo ay siyang tutugon sa matinding pagsisikip ng daloy ng trapiko sa bansa at magbibigay kapangyarihan kay Duterte para magpatupad ng rules and regulations na kinakailangan para maipatupad ang kanyang kapangyarihan.

“We have to equip the President with necessary powers to address the immense and growing traffic dilemma which affects not only Metro Manila but most of the country’s urban centers,” ayon kay Nograles.

Paliwanag pa ng kongresista, ang matinding pagsisikip ng daloy ng trapiko sa Metro Manila at kalapit na urban centers ay maituturing na national emergency kaya kailangan ng extra-ordinary measures pa masiguro ang mabilis at tuloy-tuloy na implementasyon ng polisiya at infrastructural reforms na reresolba sa nasabing problema.

Tiwala naman si Nograles na ang panukalang Traffic Crisis Act at iba pang mahahalagang panukala ay maisasalang na agad sa plenaryo matapos ang State of the Nation Address (SONA) ng Pangulo sa Hulyo 24.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with