MANILA, Philippines - Nakatakdang bumisita sa bansa ang mga barkong pandigma ng China para sa isang goodwill visit.
Gayunman, di tulad ng ibang mga dayuhang warships mula sa mga kaalyadong bansa ng Pilipinas na dumadaong sa Manila at Subic Bay sa Zambales ay sa Davao City ito dadaong sa mismong lupang tinubuan ni Pangulong Duterte na nais makipagkaibigan sa China.
Sinabi ni Captain Ramil Roberto Enriquez, Commander ng Naval Forces Eastern Mindanao na ang warships na Flotilla ng China People’s Liberation Army-Navy Task Group 150 ay dadaong sa Sasa Wharf Davao City sa darating na Linggo (Abril 30).
Ang Chinese Flotilla ay binubuo ng guided-missile destroyer Chang Chun, guided missile frigate Jin Zhou at replenishment ship Chao Hu.
Ayon kay Enriquez, naghanda sila ng isang simpleng welcome ceremony at port briefing sa pagdating ng China warships sa Davao City.