Open-pit mining, ban na -- DENR

MANILA, Philippines -  Ipinagbabawal na ni Environment Secretary Regina Lopez ang open-pit mining sa buong bansa.

Ito ay ayon kay Sec. Lo-pez ay isang paraan ng kampanya niya  upang maiwasan ang pagkasira ng kalikasan at kapaligiran ng ating bansa.

“Each open pit is a financial liability for gov­ernment for life, it kills the economic potential of the place.” pahayag ni Lopez sa isang press conference kahapon na ginanap sa QC.

Noong nagdaang buwan ng Pebrero ay tu­luyan nang ipinasara ni Lopez ang 22 sa 41 minahan ng nickel ore na isinusuplay natin sa iba’t ibang panig ng mundo.

Binigyang diin ni Lo­pez na suportado naman niya ang pagmimina sa ating bansa pero hindi dapat ito makakasira sa kalikasan.

 

Show comments