NDRRMC pinuna sa mabagal na text alert

MANILA, Philippines - Pinuna ng isang kongresista ang mabagal na text alert ng NDRRMC sa publiko tungkol sa lindol noong Sabado. Sinabi ni 1-Ang Edukasyon Rep. Salvador Belaro Jr. na mas mabilis pang nakapagpadala ng fake news ang mga nanloloko kaugnay sa lindol kumpara sa text alert ng ahensiya na naipadala lang ilang oras matapos ang lindol.

Ang mas masama pa umano ay marami sa publiko ang nakatanggap ng text alert tungkol sa lindol isang araw matapos itong mangyari. 

Show comments