MANILA, Philippines - Umiwas sa heat stroke at pagkahapo dulot ng matinding init.
Ito ang ilan sa mga paalala sa publiko ng Department of Health sa pagdaraos ng Semana Santa.
Payo ni Health Secretary Paulyn Jean Ubial, sa mga magbi-Visita Iglesia na magdala ng tubig, food packs at payong.
Ang mga may-high blood at ibang sakit aniya ay makabubuting manatili na lamang sa kanilang bahay mula alas-10:00 ng umaga hanggang alas-3:00 ng hapon, kung kelan matindi ang sikat ng araw.
Iwasan na rin aniya ang pagbibitbit sa mga bata o mga baby lalo na sa mga matataong lugar upang hindi sila mahawa ng mga sakit.
Mahigpit ding pinaalalahanan ng kalihim ang mga magpapapako sa krus na i-sterilize mabuti ang mga pako at iba pang matutulis na gamit sa pagpepenitensiya.
“Tetanus can be easily contacted with the use of unsterilized or rusty nail,” sabi ng kalihim.
Bukod pa rito ay pinag-iingat din ng kalihim ang mga mamamayan sa mga usong sakit kapag panahon ng tag-init gaya ng ubo, sipon, sakit sa balat at kagat ng aso.