^

Bansa

Simbahan todo bantay

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Mahigpit na binabantayan ng Diocese of Surigao ang mga suspendidong minahan para makatiyak na hindi lalabag ang mga ito sa  nakabinbing closure order ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Sinabi ni Surigao Bishop Antonieto Cabajog, bumuo ang kanilang diocese ng monitoring team na magbabantay sa mga mining sites.

Sinabi ng Obispo na pabor siya sa pagpapasara ng mga minahan at pagpapaigting ng eco-tourism sa kanilang lalawigan.

“We can do alternatives and sa Surigao madaming natural resources na maganda sa eco-tourism, ‘yun lang sana ang mapaganda at ma-enhance, mas maganda ang eco-tourism kasi ang Surigao kilala bilang isang magandang puntahang lugar,” anang Obispo.

Naniniwala si Cabajog na kung magpa­patuloy ang magandang nasimulan ng ahensya ay maiaangat na ang buhay ng mga mahihirap na apektado ng pagmimina.

Una nang nagkasundo ang pamahalaan at Simbahan na tuldukan na ang irresponsible mining sa bansa.

ANTONIETO CABAJOG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with