Pagpapalit ng mga opisyal ng Philracom, giit kay Digong
MANILA, Philippines - Hiniling ng anti-graft group na Anti-Trapo Movement of the Philippines kay Pangulong Duterte na palitan na ang matataas na opisyal ng Philippine Racing Commission (Philracom) na nagsagawa ng umano’y katiwalian sa gobyerno kaya nalugi umano ang pamahalaan ng milyong halaga ng pondo.
Ito ang nakasaad sa sulat na isinumite ng ATM kay Pangulong Déterte bunga ng umano’y pagkabigo ng mga opisyal ng Philracom na mapigilan ang illegal online sarong sa ilang off-track betting (OTB) stations sa bansa.
Una nang nagsampa ng kasong graft ang grupo ni ATM founder Leon Peralta sa tanggapan ng Ombudsman laban sa mga opisyal ng Philracom na pinangungunahan ni Philracom Chairman Andrew Sanchez dahil sa kawalang aksiyon umano ng ahensiya na sawatain ang online sarong sa OTBs.
- Latest