^

Bansa

Demolisyon ng NGC sa Batasan Hills, kinondena

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Iligal umano ang ginawang pagbabaklas ng National Government Center (NGC) ng National Housing Authority (NHA) sa may daan-daang kabahayan sa loob ng Accibal compound sa Bgy. Batasan Hills sa Quezon City.

Ito ang sinabi ni Ginang Mylene Cendena, spokesperson ng Samahan ng Tubig-Maynilad 2 Livelihood Association na umookupa sa loob ng 11 ektaryang lupa na kinatitirikan ng 600 mga bahay na sinisimulang gibain ng NHA mula kahapon.

Anya, batay sa writ of execution na naipalabas ng QC court, dalawang lote lamang na kinabibilangan ng TCT no. 200629 at TCT 200630 ang may pag-uutos ng korte na gibain pero hindi umano ito sinusunod ng demolition team ng NFA.

“Yang dalawang lote lamang na may 360 square meters ang may utos ng korte na demolish, bakit nilalahat ng NHA na gibain ang lahat ng bahay dito sa compound na nasa loob ng 11 ektaryang lupa? Wala naman sa writ ang paggiba sa maraming kabahayan dito,” pahayag ni Cendena.

Sinabi naman ni Gilda Leonsing, isa sa mga apektado ng demolisyon na nabulaga na lamang sila kahapon ng umaga na gigibain ang kanilang bahay ng wala silang kaalam-alam.

Nanawagan sa pamahalaang Duterte ang mga apektadong residente na makialam sa kanilang kalagayan upang hindi naman maapektuhan ang kabuhayan ng kanilang pamilya sa biglaang paggiba ng kanilang bahay.

Sinasabing ang 11 ektaryang lupa sa Accibal compound ay dating pagmamay ari ng isang Antonio Accibal at nagpasalin-salin ng pagmamay-ari nito hanggang sa kunin ng NHA at ngayo’y gagawing housing project para daw sa mga nakatira doon.

Ayon naman sa mga residente doon, ibinibenta ang lupa ng P22,000 per square meters ay wala naman silang ganoong halaga para bilhin ang lupa. 

NGC

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with