Petsa sa pension hike malabo pa!
MANILA, Philippines – Wala pang tiyak na araw ang pagkakaloob ng ikalawang bugso ng P1,000 pension hike ng mga miyembro ng Social Security System. Ito ang niliwanag ng SSS hinggil sa planong pagkakaloob ng dagdag na pension sa mga pensioners. “Wala pang klaro kung kailan young second tranche. It will depend on o lot of factors,” pahayag ni SSS Commissioner Jose Gabriel La Vina. Ang pahayag ni La Vina ay taliwas naman sa pahayag ni SSS Chairman Amado Lopez na nagsabing inianunsyo ni Pangulong Rody Duterte na inaprubahan ang dagdag na P1,000 pension hike sa 2022 o mas maaga pa rito. Ang P1,000 pension hike ay iba pa sa P1,000 pension hike na sinasabing ibibigay ng pamahalaan ngayong buwan. Sinabi ni La Vina na ang pagkakaloob ng dagdag na P1,000 pension ay maipagkakaloob depende sa abilidad ng SSS na makakolekta ng kontribusyon at may batas na ipapasa ang Kongreso para sa dagdag na pension.
- Latest