^

Bansa

Giyera sisiklab kapag bumagsak ang peace talks

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nakaamba umanong sumiklab muli ang giyera sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) kapag bumagsak ang napipintong panunumbalik muli ng peace talks ng magkabilang panig.

Ito ang inamin kahapon ni Defense Secretary Delfin Lorenzana kaugnay ng itinakdang paghaharap muli sa negotiating table ng Government of the Republic of the Philippines (GRP) at CPP-NPA-NDF peace panels sa Rome, Italy sa susunod na linggo.

Sa kabila nito, tiwala si Lorenzana na sa kabila ng ilang mga gusot at hindi pagkakasundo sa pagitan ng GRP at CPP-NPA-NDF ay malalagdaan ang bilateral ceasefire agreement sa paghaharap ng mga ito.

Ang panunumbalik ng peace talks sa Rome, Italy ay gaganapin mula Enero 18-25, 2017.

Inihayag ni Lorenzana na sa kabila ng unilateral ceasefire, marami pa ring miyembro ng NPA rebels ang patuloy sa paghahasik ng terorismo.

“The other side’s people keep on making trouble in the South like extorting money from businessmen, burning facilities and buses. They were trying to extort money from one of the buses, bus company in the South Cotabato,” punto pa ni Lorenzana. 

“When they refused to pay, they burned a total of five buses last month, in the last quarter and that’s one of the things that we would like them to stop. That’s one of the inputs we want to incorporate in the bilateral ceasefire agreement,” dagdag nito.

Hinggil naman sa kahilingan ng komunistang grupo na palayain ang may 400 political prisoners, sinabi ni Lorenzana na ibinasura na ito ni Pangulong Duterte.

COMMUNIST PARTY OF THE PHILIPPINES-NEW PEOPLE’S ARMY-NATIONAL DEMOCRATIC FRONT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with