^

Bansa

1-anyos nene hiniram, kinidnap

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sising-alipin ngayon ang mag-asawa matapos na tuluyang itakas at kidnapin ang kanilang 1-anyos na anak na babae ng dalawa-katao na sinasabing nakipagkaibigan sa kanila sa bayan ng Patnanungan, Quezon, ayon sa ulat kahapon.

Kinilala ang pinaghahanap na mga suspek na sina Mariven Capinig at Saddam Atejano.

Sa ulat ng Quezon Police na nakarating sa Camp Crame, dumulog sa pulisya dakong alas-7:30 ng umaga kamakalawa si Nerissa Baloro at ini-report ang pagkawala ng 1-anyos at tatlong buwan nitong anak na babae na si Vanessa Lazado.

Sa salaysay ni Nerissa na nakipagkaibigan sa kaniya ang mga suspek at nang mapalagay ang kaniyang loob ay hiniram ang anak noong Miyerkules (Enero 4).

Gayunman, nakalipas na ang ilang araw ay hindi ibinalik ang kaniyang anak at hindi na rin makontak ang mga suspek kaya napilitan na siyang dumulog sa pulisya.

vuukle comment

KINIDNAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with