^

Bansa

Trader patay sa pamamaril, pulis sugatan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Patay ang isang negosyante habang sugatan naman ang isang bagitong  pulis matapos na pagbabarilin ng hindi pa nakilalang lalaki habang nag-iinuman sa Brgy. Commonwealth, Quezon City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Supt. Rodelio Marcelo, Chief ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng Quezon City Police District ang mga nasawing biktima na si Johnny Naigan, 36 at residente ng Purok 12, Unit 5, Brgy. Commonwealth ng lungsod na  nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.

Patuloy namang nilalapatan ng lunas sa  East Avenue Medical Center ang nasugatang si PO1 Ronilo Romero, 29, nakatalaga sa District  Public Safety Battalion (DPSB) ng Manila Police District at residente ng Steve Street, Brgy. Commonwealth ng naturang siyudad.

Ayon kay Marcelo,  naitala ang insidente sa  may gate ng tahanan ng negosyante habang nag-iinuman ito at ang nasabing parak bandang alas-8:30 ng gabi.

Bigla na lamang sumulpot ang armadong lalaki at pinaputukan ng sunud-sunod ang mga biktima kung saan nasapul ng tama ng bala si Naigan na siya nitong ikinamatay.

Matapos ito ay mabilis na tumakas ang suspek patungo sa hindi pa malamang destinasyon.

Isinasailalim pa sa masusing imbestigasyon ng mga awtoridad ang motibo ng krimen.

QUEZON CITY

BRGY. COMMONWEALTH

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with