Kelot na dinakip sa indiscriminate firing, dedo sa pulis
MANILA, Philippines – Isang lalaki ang nasawi makaraan umanong makipagbarilan sa mga rumespondeng operatiba dahil sa umano’y sumbong ng pagpapaputok nito ng baril sa Brgy. Batasan Hills, Quezon City, kamakalawa.
Sa ulat kay Quezon City Police District Director P/Chief Supt. Guillermo Eleazar, nakilala ang nasawi sa pangalang Harold Moises, nasa pagitan ng edad na 30-40, at residente ng Kabihasnan St. , Brgy. Batasan Hills sa lungsod.
Naka-engkwentro ng suspek ang mga operatiba ng Police Station 6 at ilang mga opisyal ng barangay.
Sa imbestigasyon ni PO3 Alvin Quisumbing ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU) nangyari ang insidente sa kahabaan ng Kabisig St., malapit sa kanto ng Katangian St., ng nasabing barangay, dakong alas -4:30 ng hapon.
Bago ito, nakatanggap umano ng tawag ang tropa ng PS6 kaugnay sa lalaking nagpapaputok ng baril sa nasabing lugar.
Àgad na rumisponde ang mga pulis, subalit pagsapit sa lugar ay nadatnan nila ang suspek may nakabukol na baril sa bewang.
Nang akmang lapitan ng mga operatiba ang lalaki ay nakatunog umano ito sanhi upang magbunot ng baril at paputukan ang mga una.
Gumanti naman ng putok ang mga operatiba na ikinasugat ng suspek saka itinakbo sa East Avenue Medical Center pero idineklara ding dead on arrival.
- Latest