Dec. 26, Jan. 2 special holiday

Sa pamamagitan ng Proclamation 117 na nilagdaan ni acting Executive Secretary Menardo Guevarra, idineklara bilang special non-working holidays ang Disyembre 26 (Lunes) at Enero 2, 2017. Ernie Peñaredondo

MANILA, Philippines – Inanunsiyo kahapon ng Malacañang na special non-working holidays ang Disyembre 26, 2016 at Enero 2, 2017.

Sa pamamagitan ng Proclamation 117 na nilagdaan ni acting Executive Secretary Menardo Guevarra, idineklara bilang special non-working holidays ang Disyembre 26 (Lunes) at Enero 2, 2017.

Ito ay upang mabigyan ng pagkakataon ang publiko na maipagdiwang ng mas mahaba ang Christmas at New Year.

Nangangahulugan ito na magkakaroon ng mahabang weekend ang publiko sa pagdiriwang ng Kapaskuhan at Bagong Taon.

Nabatid na parehong natapat sa weekend ang December 24 at 25, gayundin ang December 31 at January 1 ngayong holiday season.

“Whereas a longer weekend promotes domestic tourism and enables employers to plan for their work schedules effectively and efficiently, resulting in improved productivity,” nakasaad pa sa proclamation 117.

Show comments