^

Bansa

Concubinage, contempt vs de Lima

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Concubinage, contempt vs de Lima
Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre III, dahil parehong umamin sina Sen. Leila de Lima at Ronnie Dayan na nagkaroon ng relasyon ng pitong taon ay maaari silang makasuhan ng Concubinage.

MANILA, Philippines - Mahaharap sa iba’t ibang kaso si Sen. Leila de Lima at dating driver nito na si Ronnie Dayan matapos ang mga pahayag nito sa pagdinig ng House Committee on Justice.

Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre III, dahil parehong umamin sina de Lima at Dayan na nagkaroon ng relasyon ng pitong taon ay maaari silang makasuhan ng Concubinage.

Subalit sa kasong concubinage ang asawa lamang umano ni Dayan ang maaring magsampa ng kaso laban dito.

Habang ang Senadora naman ay maaa­ring kasuhan ng contempt at obstruction of justice matapos itong magpadala ng text message sa anak ni Dayan na si Hanna Mae na magtago na lamang at huwag dumalo sa pagdinig ng komite.

Bukod dito maaari rin ma-disbar o maalis bilang abogado si de Lima dahil sa paglabag sa Section 27 ng Revised penal code dahil sa immorality.

Iginiit din ni Aguirre na maaring ma-contempt si de Lima dahil sa pagbibigay niya ng instruction kay Hanna Mae na sabihin sa ama nito na si Dayan na huwag dumalo sa pagdinig at magtago na lamang. 

Iginiit naman ni Aguirre na hindi maaring i-invoke ng senadora ang right to privacy at gender sensitivity sa kaso ng public interest  dahil paglabag umano ito sa criminal laws.

HOUSE COMMITTEE ON JUSTICE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with