Pagtakbong presidente wala pa sa isip ni Pacquiao

MANILA, Philippines – “Wala pa sa isip natin yan.”

Ito ang sinabi kahapon ni Senator Manny Pacquiao tungkol sa posibilidad na tumakbo siyang pangulo ng bansa sa hinaharap.

Ayon pa kay Pacquiao, ang Panginoon ang naglalagay sa mga nagiging presidente ng bansa at sa ngayon ay gagampanan muna niya ang kanyang trabaho.

Sa ngayon anya ay nakatuon ang kanyang pansin sa kanyang trabaho at kung ano ang abot ng kanyang makakaya.

Ipinahiwatig ni Pacquiao na ginagawa niya ngayon sa kanyang buhay pulitika ang ginawa niya noong nagsisimula pa lamang siyang mag-boksing kung saan dinisiplina niya ang kanyang sarili at pinagtutuunang mabuti ang trabaho.

Malayo pa rin aniya ang 2022 at mas makakabuting isipin muna ang problema ng bansa sa ngayon.

Nauna rito, sinabi ni Pangulong Duterte sa pagdalaw ni Pacquiao sa Malacañang na pang-presidente na ito.

Nag-courtesy call si Pacquiao sa Malacañang matapos ang panalo sa laban niya kay Jessie Vargas sa Las Vegas noong Nobyembre 5.

Show comments