Drug suspek humabol sa Undas

CAMARINES NORTE, Philippines – Isang baguhang tulak-droga ang humabol sa araw ng Undas makaraang mapatay sa pakikipagbarilan sa mga awtoridad  sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Dogongan, bayan ng Daet, Camarines Norte kahapon.

Kinilala ni P/Supt. Wilmor Halamani, acting chief of police,  ang napaslang na drug personality na si Ernie “Litik” Gaza.

Batay sa ulat, dakong alas-9:30 ng u­maga, isang pulis na nag-poseur-buyer ka-deal ng suspek subalit nakatunog ito kaya agad na kinuha ang kanyang baril subalit mabilis na naunahang putukan ng mga awtoridad.

Nagawa pang mai­sugod sa Camarines Norte Provincial Hospital subalit hindi na uma­bot ng buhay si Gaza.

Narekober sa pinangyarihan ng shootout ang pistolized shotgun at ilang plastic sachet ng shabu kung saan wala namang nasu­gatan sa panig ng pulisya. 

Show comments