^

Bansa

Binatilyo, binoga sa ulo

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nasa kritikal na kondisyon ang isang 16-anyos na binatilyo makaraang barilin sa ulo ng hindi pa nakikilalang salarin sa gitna ng pakikipag-inuman nito sa mga kabarkada, kamaka­lawa ng gabi sa Valenzuela City.

Isinugod sa Montefalco Hospital sa Meycauayan, Bulacan ang biktimang nakilalang si Zander Jake Valdez, alyas Jek-Jek, isang out-of-school-youth at naninirahan sa Gulod St., Brgy. Bignay, ng naturang lungsod.

Sa inisyal na ulat ng Valenzuela City Police, nakikipag-inuman ang biktima kasama ang mga kabarkada sa isang kubo sa may Gulod Street, dakong alas-9:30 ng gabi nang maganap ang insidente.

Ayon sa mga kasamahan, isang putok ang umalingaw­ngaw at bigla na lamang bumagsak sa kanyang kinauupuan ang biktima na may tama na ng bala sa ulo.  Agad na humingi ng tulong ang mga kasamahan nito sa Bignay 3S rescue unit na nagdala sa biktima sa pagamutan.

Rumesponde naman ang mga tauhan ng Police Community Precinct 7 sa lugar ngunit bigo na makakuha ng ebidensya tulad ng cartridge ng bala na tumama sa biktima.  Patuloy namang isinasailalim sa imbestigasyon ang mga nakasama sa inuman ng biktima upang matiyak na walang foul play na nangyari sa insidente habang hinihintay pa na magkamalay ang biktima.

BINATILYO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with