MANILA, Philippines - Napanatili ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mataas na satisfaction rating nito sa kauna-unahang survey ng Social Weather Station (SWS) sa presidential performance nito bago sumapit ang kanyang unang 100 days sa gobyerno.
Nakakuha ng 64 percent satisfaction rating si Pangulong Duterte sa September 24-27 survey ng SWS na itinuturing na pinakamataas kumpara sa kanyang predecessor na si dating Pangulong Benigno Aquino III (60%), dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo (24%), dating Pangulong Erap Estrada (60%) at former President Cory Aquino (53%). Tanging si dating Pangulong Ramos lamang ang ang nakakuha ng mas mataas na rating kay Duterte sa 1st quarter ng termino sa 66 percent.
?May 11 percent namang respondents ang dissatisfied sa performance ni Digong at 13% ay undecided.
Hindi nakaapekto sa ‘very good’ satisfaction rating ni Duterte ang kontrobersiyal na mga statements nito laban sa US, United Nations at European Union (EU).