^

Bansa

Pagpapalabas ng video ni de Lima, ilegal – LP

Malou Escudero, Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Mariing tinutulan kahapon nina Senate President Pro-Tempore Franklin Drilon, Senators Francis “Kiko” Pangilinan at Bam Aquino ang plano ng House of Representatives na ipalabas ang sinasabing sex video ni Sen. Leila de Lima.

Ayon sa tatlong senador na kaalyado ni de Lima sa Liberal Party, ilegal ang nasabing plano ng Kamara na ilabas ang nasabing video kahit pa hindi totoo ang nilalaman nito.

Kabilang umano sa lalabagin o nilabag ng nasabing video ang Anti-Voyeurism Law (RA 9995) na nagbabawal ng recording o pagpapalabas ng video na may sexual act nang walang permiso ng taong kinukunan. Ang nasabing recordings umano ay hindi maaring tanggapin sa mga legislative hearings.

Nilabag din umano ng nasabing video ang Anti-Wiretapping Law o (RA 4200) na nagbabawal at nagpaparusa sa pagpapalabas ng recordings ng mga pribadong komunikasyon ng walang pahintulot ng may-ari o kinunan ng video o recording.

Ayon naman kay Gabriela partylist Rep. Emmie de Jesus, hindi na dapat pa itong ipalabas ng Kamara dahil maituturing na itong pag-abuso at pambabastos sa pagkababae ni de Lima pati na sa posisyon nito bilang Senador.

Sinabi pa ni de Jesus na wala siyang makitang justification para ilantad ang private affairs ng isang indibidwal kahit pa sa isang congressional inquiry bukod dito, makakagulo lamang ang pagpapalabas ng video sa imbestigasyon ng Kamara sa usapin ng Bilibid drug trade.

Ayon naman kay House Justice Committee chairman Reynaldo Umali, maaaring idaan niya ang usa­ping ito sa botohan sa komite sa oras na kailanganin at kung mayroon umanong mag-mosyon para ipalabas ang video sa gitna ng hearing sa Oktubre 5 ay haha­yaan niyang pagbotohan ito at kung walang tumutol ay wala siyang magagawa kundi ang sundin ang nais ng mayorya.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with