^

Bansa

5,000 lumahok sa anti-drug campaign rally

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

QUEZON, Philippines – Matapos ang matagumpay na mass surrendering noong Miyerkules (Hunyo 13) na may 1,300 tulak at adik mula sa 33 barangay ang sumuko, aabot naman sa 5,000-katao ang nag-anti-drug campaign rally sa Lucena Cty, Quezon kahapon ng umaga.

Inorganisa ng Lucena City PNP sa pamumuno ni P/ Supt. Dennis de Leon ang rally sa paniwalang makatutulong ito ng malaki sa may 300,000 residente na ipamulat ang kahalagahan ng pagsasama-sama ng iba’t ibang sektor laban sa droga.

Bukod sa pinaigting na project ‘Double Barrel, Oplan Tokhang,’ may kampanya ring tinawag na Drug Abuse Resis­tance Education (DARE) ang pulisya na layong isama sa elementary education ang masamang epekto ng iligal na droga.

Kabilang sa dumalo sa rally ay sina Mayor Roderick Alcala, Vice mayor Philip Castillo, mga konsehal, P/Senior Supt. Antonio Yarra, QPPO Director, Major Gen. Romeo Gan, comman­ding general ng SOLCOM, academe, mag aaral ng iba’t ibang kolehiyo, at mga kawani ng lokal na pamahalaan.

Pagkatapos ng  oathtaking at signing of commitments ay nagpalipad ng mga kalapati at lobo ang mga dumalo sa proyekto.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with