^

Bansa

UN Sec Gen kinondena ang tila pag-endorso ni Duterte ng pagpatay

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – “Extremely disturbed.”

Ito ang paglalarawan ni United Nations (UN) Secretary-General Ban Ki-Moon sa tila pag-eendorso ni President-elect Rodrigo Duterte sa extrajudicial killings.

Kinondena ni Ban ang pahayag ni Duterte patukoy sa pagpatay sa mga kriminal gayun din ang pagpaslang sa mga mamamahayag na aniya’y karamihan ay tiwali.

"I am extremely disturbed by recent remarks by the President-elect of the Philippines, Rodrigo Duterte. I unequivocally condemn his apparent endorsement of extrajudicial killing, which is illegal and a breach of fundamental rights and freedoms," wika ni Ban sa kaniyang talumpati sa UN Correspondents Association nitong kamakalawa.

Nilinaw naman ni Duterte na hindi niya hinahayaan ang pagpatay sa mga mamamahayag at ang mga napaslang na mamamahayag ay hindi napatay  dahil sa kanilang trabaho ngunit dahil sa pagiging tiwali nila.

Nito lamang ay dalawang taga UN ang binanatan ni Duterte dahil sa panawagan nila na itigil ng president-elect ang pag-eendorso sa pagpatay.

"Go home and get some sleep. You are overworked and sound beat. Your statement is anchored on the wrong premise," wika ni Duterte.

PAO CHIEF PERCIDA ACOSTA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with