1 patay, 3 grabe sa killer bus

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Kamatayan ang sinapit ng 47-anyos na driver habang tatlo naman nitong pasahero ang malubhang nasugatan makaraang salpukin ng pampasaherong bus ang kanilang traysikel sa kahabaan ng national highway sa Purok 2, Barangay Rizal sa Santiago City, Isabela kamakalawa ng umaga.

 Kinilala ni P/Supt. Alexander Santos, hepe ng  Santiago City PNP ang namatay na si Warlito Nesperos ng Gawad Kalinga Housing sa nasa­bing lungsod habang nakikipagbuno naman kay kamatayan sina Eddie Paragas, 33; Richard Alisora, 52; at ang trader na si Rivelyn Ignacio, 24, mga residente rin sa nasa­bing housing project na sa Barangay Rizal.

?Sa imbestigasyon ng pulisya, papasok sa kanilang trabaho ang mga biktimang sakay ng traysikel nang makasalubong ang GV Florida Bus (UVK-745) na umagaw ng linya dahil umiwas sa lubak habang nakikipagka­rera sa isa pang sasakyan.?

Naisugod naman sa Southern Isabela District Hospital ang mga biktima subalit namatay si Nesperos.?

Nadakip naman ng pulisya ang drayber ng Florida Bus na si Jill Maret, 39.?

Noong nakaraang buwan lamang ay nasangkot rin ang isa pang GV Florida sa aksidenteng naganap  sa Ilagan City, Isabela kung saan apat na sakay ng traysikel ang namatay.

Show comments