Bagatsing: ‘Krimen sa Maynila dudurugin namin ni Digong!’
MANILA, Philippines – Dudurugin ni Manila Rep. at mayoralty candidate Amado Bagatsing ang lumulubhang kriminalidad at problema ng droga at iba pang krimen sa Maynila sa pakikipagtulungan kay PDP-Laban presidential candidate at Davao City Mayor Rodrigo “Digong” Duterte.
Ang pahayag ay ginawa ni Bagatsing bilang reaksyon sa international crime index survey ng Numbeo na naglagay sa Maynila sa ikatlong puwesto sa pinaka-crime infested areas sa Pilipinas sa crime index score nitong 67.78.
“Hindi nakapagtataka na lugmok na ang Maynila habang pinagpipiyestahan ng mga kriminal at mga tulak ng droga ang mga kaawa-awa nating kababayan. Hindi ko ito mapapayagan oras na maupong mayor ng Maynila,” wika ni Bagatsing.
Sa harap ng napakataas na crime index sa Maynila kasunod ng Quezon City (71.85) at Zamboanga City (68.23), sinabi ni Bagatsing na “may magandang ginagawa si Mayor Duterte para mapanatili ang peace and order sa Davao City dahil ang crime index nito sa Numbeo ay 20.08 lang.”
Ang surveys ng Numbeo kaugnay ng consumer prices, crime rates, kalidad ng health care at iba pang statistics ay madalas gamiting source ng mga pamosong media outlets tulad ng Forbes, The Economist, BBC, The New York Times, Time at The Telegraph.
Inindorso ni Duterte ang kandidatura ni Bagatsing, isang six-termer congressman.
“For the sake of our country, let Mayor Duterte be President because we need someone like him who backs his words with. I am happy that the Comelec has dismissed the nonsense disqualification complaints against him,” sabi naman ni Bagatsing.
Isinama ng Numbeo ang Pilipinas sa 30 pinaka-crime infested countries sa buong mundo.
- Latest