Ombudsman: Kasong kriminal vs Junjun, Jojo Binay

MANILA, Philippines—  Iniutos ng Office of the Ombudsman ngayong Biyernes na sampahan ng kasong kriminal ang mag-amang Bise Presidente Jejomar Binay at nasipang Makati Mayor Jejomar Erwin "Junjun" Binay Jr. kaugnay ng maanomalyang proyekto sa lungsod ng Makati.

Sasampahan ng kasong multiple charges ng graft, malversation at falsification ang mag-ama.

Lumabas sa imbestigasyon ng Ombudsman na walang naganap na public bidding bago sinimulan ang pagpapatayo ng P2.2 bilyon Makati City Hall parking building na nagsimula noong ang Bise Presidente pa ang alkalde sa lungsod at natapos sa termino ni Junjun.

Nalaman din nilang minanipula ang procurement process upang mapunta ang proyekto sa MANA bilang project designer.

Tumanggap ang MANA ng P11.9 milyon bilang kabayaran sa kabila ng kakulangan ng pagbibigay ng design plans, working drawings at technical specifications.

Pinagtibay din ni Ombudsman Conchita Carpio Morales ang pagpapatalsik kay Junjun sa pwesto matapos mapatunayang guilty sa grave misconduct at serious dishonesty.

Nasipa sa pwesto si Junjun BInay nitong Oktubre 2015, kung saan ang dating Vice Mayor na si Kid Pena ang humalili.

Samantala, sa pagwawakas ng imbestigasyon ng Senado sa kaparehong gusali ay iminungkahi rin nila na sampahan ng kasong kriminal ang mga Binay.

 

Show comments