MANILA, Philippines — Unanimous ang naging botohan ng Commission on Elections (Comelec) First Division upang ibasura ang apat na disqualification cases laban kay Davao City Mayor Rodrigo Duterte.
Sinabi ni Comelec First Division Chair Christian Robert Lim na “due to lack of merit” ang kanilang naging basehan upang ibasura ang petisyon laban sa presidential candidate.
Nilagdaan nina First Division members Luie Tito Guia, Ma. Rowena Guanzon at ni Lim ang desisyon.
BASAHIN: Duterte bibigyan ng tig-isang kwarto sa Malacañan ang dating asawa, live-in partner
Ibinasura ng Comelec ang mga petisyon nina University of the Philippines Student Council Chair John Paulo delas Nieves, broadcaster Ruben Castor, nuisance candidate Elly Pamatong at dating senatorial candidate Rizalito David.
Kinuwestyon ni Nieves ang pagiging substitute candidate ni Duterte para kay dating Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan standard-bearer Martin Diño.
Samantala, sinabi naman ni Lim na maaari pa namang maghain ng motion for reconsideration ang mga nagreklamo laban sa alkalde upang mabaligtad ang kanilang desisyon.
BASAHIN: Duterte kay Mar: How stupid can you get?
Sa pinakahuling survey ay nasa ikaapat na pwesto si Dutere.