Plunder vs Binays sa Blue Ribbon report

MANILA, Philippines – Nais sampahan ng plunder ng Senate Blue Ribbon subcommittee sina Bise Presidente Jejomar Binay at nasipang Makati City Mayor Jejomar Erwin "Junjun" Binay Jr. dahil sa kaanomalyahan sa lungsod ng Makati.

Sinabi ni Blue Ribbon subcommittee chair Sen. Aquilino "Koko" Pimentel III na ibinigay na nila ang partial committee report sa plenary.

"The subcommittee believes that there was a grand conspiracy to milk the construction of the Makati City Hall II parking building for every peso that it could yield, through massive unmitigated overpricing," nakasaad sa committee report.

Inilarawan ng komite ang Makati City Hall II parking building na “very clearly overpriced."

Inabot ng 25 pagdinig sa nakalipas na 17 buwan bago natapos ang imbestigasyon sa mga umano’y katiwalian ng mag-amang Binay sa lungsod.

Bukod sa Makati City Hall II parking building ay inusisa rin ng komite ang pagpapagawa ng University of Makati Nursing building, Makati Science High School building at Makati Friendship Suites.

Ilang beses inimbitahan si Bise Presidente Binay sa pagdinig upang magpaliwanag ngunit tinaggihan niya ito habang umabot sa inaresto ang nasipang alkalde ng Makati matapos hindi rin dumalo at i-contempt ng komite.

 

Show comments