^

Bansa

Ping sa Senado at SSS: Pasadahan uli ang pension hike

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Hindi porke’t tinabla ni Pangulong Aquino ang P2,000 na karagdagang pensiyon ng mga retiradong miyembro ng Social Security System (SSS) ay tapos na ang boksing.

Ito ang naging mensahe ni dating Senador Panfilo Lacson sa isang panayam nang dumalaw siya sa Saint Mary’s University (SMU) sa Bayombong, Nueva Vizcaya.

Ayon kay Lacson, kailangang pag-aralan muli ng Senado at ng SSS kung may pondo pa para sa tamang dagdag-pensiyon sa mga retirado, na hindi naman magiging dahilan para mabangkarote ang ahensya.

Ang posibilidad na mabangkarote ang SSS sa 2027 ang ginawang pangunahing dahilan ng Pangulong Aquino sa pag-veto ng panukalang batas na magbibigay sana ng P2,000 umento sa buwanang pensiyon ng mga retiradong miyembro ng SSS.

“I think the SSS should be required to recalculate, recompute. Ano ang status ng standing ng finances sa SSS?” banggit ni Lacson sa pulong balitaan na ginanap sa Bayombong.

Kung magkakaroon ng pag-recalculate, maaa­ring masolusyunan ang pagkadismaya ng mga pensioners bunga ng desis­yon ni PNoy.

Napansin din ng da­ting mambabatas na hindi naman nagkaroon ng mahabang talakayan o debate tungkol sa SSS pension sa Senado.

Nguni’t ayon din kay Lacson, kung lalabas pa rin sa pag-recompute na maaari pa ring mabangkarote ang SSS, kanyang susuportahan ang Pangulo sa pagtabla sa umento sa pensyon.

Ayon sa kanya, baga­ma’t ngayon ay kaliwa’t kanang pagbatikos ang inaabot ng Pangulo tungkol sa pagharang sa dagdag pensiyon, mas mainam na ito kumpara sa kung kailan pa siya nakabalik sa pagi­ging pribadong mamamayan ay saka pauulanan ng paninisi.

ACIRC

ANG

AYON

BAYOMBONG

LACSON

NUEVA VIZCAYA

PANGULO

PANGULONG AQUINO

SAINT MARY

SENADO

SSS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with