Early registration ng DepEd, nagsimula na

Ayon kay DepEd Sec. Armin Luistro, layunin ng early registration na matukoy ng maaga ang posibleng problema na kakaharapin ng school officials, mga magulang at mga batang mag-aaral bago sumapit ang regular enrolment para sa school year 2016-2017 sa Hunyo. Philstar.com/File

MANILA, Philippines – Nagsimula na kahapon ang early registration ng Department of Education (DepEd) para sa lahat ng batang papasok sa kinder at grade 1 sa mga pampublikong paaralan sa bansa.

Ayon kay DepEd Sec. Armin Luistro, layunin ng early registration na matukoy ng maaga ang posibleng problema na kakaharapin ng school officials, mga magulang at mga batang mag-aaral bago sumapit ang regular enrolment para sa school year 2016-2017 sa Hunyo.

Target ng DepEd sa maagang pagpaparehistro ang mga batang 5 taong gulang na papasok sa kindergarten at ang mga tutuntong sa grade 1.

Magtatagal ang early registration hanggang February 29, 2016.

Inatasan ni Luistro ang mga school division, superintendent at principal sa buong bansa na magsagawa ng mga aktibidad para maipaalam sa publiko ang tungkol sa early registration gaya ng pagsasagawa ng house-to-house campaigns at pakikipagtulungan sa mga barangay officials.

Ang mga bata na tutuntong na ng limang taon sa June 1 ay tatanggapin na sa kindergarten at ang nakakumpleto na ng kindergarten ay tatanggapin na sa Grade 1.

Nananawagan si Luistro sa mga magulang na may anak na edad limang taon at anim na taon na dalhin sa mga paaralan at ipatala para sa darating na pasukan.

 

Show comments