Big time rollback sa LPG

Inanunsiyo na kahapon ng Eastern Petroleum Philippines na magtatapyas ito ng halagang P3.36 sa kada kilo ng LPG na katumbas ng P36.96 sa bawat 11 kilogram sa isang  tangke nito. Philstar.com/File

MANILA, Philippines – Magpapatupad ng “big time rollback” ang ilang kumpanya ng langis para sa kanilang Liquefied Petroleum Gas (LPG) bukas, Pebrero 1.

Inanunsiyo na kahapon ng Eastern Petroleum Philippines na magtatapyas ito ng halagang P3.36 sa kada kilo ng LPG na katumbas ng P36.96 sa bawat 11 kilogram sa isang  tangke nito.

Epektibo ang rollback alas-6:00 bukas ng umaga, Lunes. Wala namang paggalaw sa presyo ng kanilang Auto-LPG.

Asahan naman ang pagsunod ng iba pang kumpanya sa kaparehong bawas-presyo.

Ang bagong “big time rollback” ay bunsod ng pagbaba ng presyuhan nito sa pandaigdigang pamilihan.

Noong Enero 1, pinangunahan ng Petron Corp.n ang bawas-presyo na P4.85 kada kilo ng Gasul at Fiesta Gas katumbas ng P53.25 tapyas sa regular nitong tangke habang nagbaba rin ng P2.70 sa presyo ng Auto-LPG na agad sinundan ng Solane at Eastern Petroleum.

Show comments