^

Bansa

Albay, itinanghal na First LGU Eco Champion

Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Philippines — Napili ng Green Convergence Philippines (GCP) ang Albay bilang kauna-unahang LGU Eco Champion nito.

Kinilala ng kalulunsad na parangal ang matagumpay at mabisang mga ‘environment policies and ecologically sound tourism program’ ng lalawigan. 

Ang GCP ay koalis­yon ng mga organisas­yon at taong nagsisikap na lumikha ng modelong balangkas para matugunan ang mga kailangan sa makabuluhang pag-unlad, habang napapa­ngalagaan naman ang tubig, hangin at kalupaan para sa susunod pang mga saling lahi.

Inanunsiyo ni GCP president Angelina P. Galang ang parangal para sa Albay sa liham niya kamakailan kay Albay Gov. Joey Salceda, kung saan binigyan niya ng diin na ang may malasakit na pagtupad ng lalawigan sa mga batas pangkapaligiran ng bansa ay buod ng ‘good environmental governance and best practices’ na maaring ring isagawa ng ibang LGU.

Kilala rin bilang isang ‘Green Economist,’ si Salceda ang utak sa likod ng matagumpay na ‘Albay Green Economy,’ na nakabatay sa mga panuntunan ng  ‘disaster risk reduction (DRR)’ at ‘climate change adaptation (CCA).’ Napalawak niya ang ‘mangrove forest’ o bakhawanan ng lalawigan sa mahigit 2,400 ektarya mula sa 700 ektarya lamang, at ang ‘forest cover’ nito ng 88% sa 44,000 mula 26,000 ektarya sa loob ng anim na taon hanggang 2014. 

Kinilala rin sa buong mundo ang matibay na dedikasyon ng panga­ngasiwa ni  Salceda sa CCA at ‘climate change mitigation.’ Tatatanggapin niya ang bagong parangal ng GCP sa Albay sa First Environment Summit na gaganapin sa SMX Convention Center, Pasay City sa Pebrero 9-11 ngayong taon.

ACIRC

ALBAY

ALBAY GOV

ALBAY GREEN ECONOMY

ANG

ANGELINA P

CONVENTION CENTER

ECO CHAMPION

FIRST ENVIRONMENT SUMMIT

GREEN CONVERGENCE PHILIPPINES

NBSP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with