MANILA, Philippines – Plano ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na isailalim sa drug test ang lahat ng mekaniko ng mga pampasaherong sasakyan sa bansa.
Ayon kay Atty. Ariel Inton, board member ng LTFRB, nararapat na magpa-drug test ang lahat ng mekaniko ng for-hire-vehicles sa buong bansa dahil sa kanila nakasalalay ang kapakanan ng mga sakay ng naturang sasakyan.
“Sila ang tumitingin sa makina ng sasakyan, ang mga mekaniko ang tumitingin sa kundisyon ng mga sasakyan at ang road worthiness ng mga passenger vehicle kayat kailangan nilang magpa-drug test,” pahayag ni Inton.
Ang pagsasailalim sa mga mekaniko sa drug test ay gagawing random ng LTFRB at walang pasabi.