MANILA, Philippines – Plano ng Department of Health (DoH) na maglunsad ng information campaign kaugnay sa Zika Virus na kumakalat sa Latin America.
Ayon kay Dr. Lyndon Lee Suy, tagapagsalita ng DoH, kumakalat ang nasabing sakit sa pamamagitan ng kagat ng lamok at ang sintomas ng virus ay lagnat, trangkaso at rashes.
Halos magkapareho lamang umano ang dengue at Zika pero labis nitong naaapektuhan ang mga nagdadalang-tao.
Sa Latin America, ang mga tinamaan ng Zika na mga buntis ay nagsisilang ng sanggol na mas maliit ang ulo sa normal na bata.
Kinumpirma naman ng doktor na may naitala nang kaso ng Zika sa Cebu noong 2012.
Wala pang bakunang nadiskubre para sa naturang sakit.